
Ilang taon na ring hiwalay ang dating love team at ex-spouses na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher "Monching" Gutierrez pero muling nagsama ang dalawa para sa isang importanteng okasyon.
Reunited sina Lotlot at Monching sa moving up ceremony ng anak na si Maxine.
"It’s never about us..but always about our children. We have gone through way too much pain, arguments, and misunderstandings. It wasn’t easy but we both have learned that for the sake of our children our PRIDES should always be set aside," sulat ni Lotlot sa caption ng kanyang post.
Mas iniisip daw nila ang kanilang mga anak kaysa sa kanilang mga 'di pagkakaintindihan.
"Never namin pinagkait ang mga anak namin sa isa’t isa. Pagdating sa mga bata it was always a mutual decision. We are parents first. Respect. That is why sa mga ganitong pagkakataon nagpapasalamat ako sa Dios na ginabayan n'ya kame and I’m thankful that our children are where they’re supposed to be," aniya.
Pinasalamatan din niya ang kanyang partner dahil sa suporta nito.
"I’m also very grateful to Fadi the person who God have blessed me to be with for being so loving and supportive. Salamat, Mahal!" dagdag pa niya.
Higit sa lahat, masaya siya at proud sa achievements ng anak na si Maxine.
"Anak ko, Maxine, we love you, anak, and again, we are very proud of you!" pagtatapos niya.
Ikinasal sina Lotlot at Monching noong 1989. Na-annul naman ang kanilang kasal noong 2008. Mayroon silang apat na anak—sina Janine, Diego, Jessica at Maxine.