
Naging subject sa art exhibit ng sikat na showbiz photographer na si Mark Nicdao ang Kapuso beauties na sina Lovi Poe, Rhian Ramos at Solenn Heussaff.
Sa art exhibit na “Lost Transportation," pinagsama ni Mark ang kaniyang mga litrato ng ilan sa sikat na showbiz personalities at paintings ng French artist na si Henri Lamy.
Nag-reunite ang mag-bestie na sina Rhian Ramos at Lovi Poe sa opening night ng exhibit habang nasa Singapore naman si Solenn kasama ang asawa nitong si Nico Bolzico.
Nagpakitang gilas din si Mark at Henri sa kanilang live painting at auction sa opening night.