
Luane is currently in Hawaii with boyfriend Carlos Gonzalez.
Isa si Luane Dy sa mga TV personality na talaga namang pinahahalagahan ang pangangatawan. Kitang-kita ito sa hindi mabilang na Instagram posts niya na kuha habang nasa gym at nagte-training.
Kaya naman hindi na kataka-taka ang magandang pigura ng Unang Hirit host at GMA news anchor tulad na lang ng kanyang recent post kung saan siya ay nasa beach at naka two-piece.
Ang mga followers naman ng dalaga, hindi nagpaawat sa mga magagandang komento.
Kasalukuyang nasa Hawaii ang dalaga kasama ang boyfriend at Encantadia star na si Carlo Gonzales.