
Tinupad ni Maine Mendoza ang kahilingan ng isang senior citizen na kanyang tagahanga nang bisitahin niya ito mismo sa kanyang tinitirahan.
Tinupad ni Maine Mendoza ang kahilingan ng isang senior citizen na kanyang tagahanga nang bisitahin niya ito mismo sa kanyang tinitirahan.
Ibinahagi ng isang nagngangalang Jenny Ziad ang ilang litrato mula sa nakakatuwang tagpo sa pagitan ng isang iniidolo at isang fan.
Sulat nito sa kanyang Facebook post, “Isang napakagandang regalo.. Nagpapasalamat ako sa mag-inang Nanay [Dub] and Maine sa panahon, sa oras na kanilang inilaan ngayong gabi. Naiyak ako sa sobrang saya namin. Salamat po sa pagbisita sa isa sa mga senior na member ng aking fans club.”
“Thank you Maine sa pagdalaw at sa pagtupad sa wish ni Nanay Ester Juaquin. Napakabait niyo talagang mag-anak. Salamat. I love you,” pagtatapos nito.
Kahit matanda na si Nanay Ester ay talagang todo-suporta pa rin siya sa Kalyeserye star. Sa katunayan, dumalo siya sa naganap na block screening ng pelikula ni Maine na Imagine You & Me. Mayroon din siyang litrato kasama sina Nanay Dub Mary Ann Mendoza at kapatid ni Maine na si Coleen.
MORE ON MAINE MENDOZA:
WATCH: Maine Mendoza's priceless reaction when she met Piolo Pascual
IN PHOTOS: Maine Mendoza at ang mga babae sa buhay ni Alden Richards