
Kilalanin si Samantha Cleofas, ang Yaya Dub of the University of the East (UE) Manila.
Mula sa ngiti, pabebe wave at hilig sa pagsulat ng script at kanta, hindi nalalayo sina Maine Mendoza at ang kanyang ka-look-alike at fan girl na si Samantha Cleofas.
Dahil sa pagkakahawig ni Sam sa kanyang iniidolo, binansagan na rin siya sa kanyang paaralan bilang Yaya Dub of the University of the East (UE) Manila. Menggay na rin ang palayaw sa kanya ng kanyang ina at kapatid.
“Avid fan din po kasi ‘yung mother ko kaya 'pag nanonood siya, tawa po ng tawa kasi parang nakikita niya daw po ako sa TV lalo na ‘yung part na nagfa-funny face na po si Maine,” kuwento ni Sam sa panayam ng 24 Oras.
Kabilang daw si Sam sa libo-libong nag-aabang sa pelikulang Imagine You & Me.
“Wala na pong tanong, panonoorin natin ‘yan,” pahayag niya.
Hiling din daw niya na sana ay magkatuluyan na ang tambalang AlDub sa totoong buhay.
“'Pag tinitingnan ko po ‘yung palitan nila ng tweets, ‘yun po ‘yung, ‘Ay okay, baka may something na talaga',” ani Sam.
Video courtesy of GMA News
MORE ON MAINE MENDOZA:
IN PHOTOS: Celebrity look-alikes of Maine Mendoza
READ: Alden Richards and Maine Mendoza: "We've never been stronger"