
Malapit na ang 24th birthday ni Maine Mendoza kaya naman ay trending na sa Twitter ang hashtags na #Maine24th at #Maineturns24.
Para i-unite ang kanyang fans, siya na mismo nagbigay ng hashtag na gagamitin para sa kanyang nalalapit na kaarawan.
"Bakit dalawa ang pa-hashtag? Ano ang pinagkaiba?" tweet ni Maine na may halong biro.
"'Di pa din magkasundo? Sige, dagdagan pa natin #MaineStillCuteAt24 cheret haha."
@MAiNETrendOFC @MaineTrendTeam hi po curious lang...
-- Maine Mendoza (@mainedcm) March 2, 2019
bakit dalawa ang pa-hashtag? Ano po ang pinagkaiba? Di pa din magkasundo? Sige, dagdagan pa natin #MaineStillCuteAt24 cheret haha 🥳
Sa loob ng apat na oras, naging top trending topic ang hashtag na ibinigay ni Maine at mayroong mahigit sa 170,000 tweets sa kasalukuyan.
Samantala, isang advance celebration naman ang inihanda ng Eat Bulaga Dabarkads para kay Maine kanina.
Isa sa mga nagbigay pagbati ang AlDub love team partner na si Alden.
“Sisimplehan ko lang po, Mr. Boom [Vic Sotto], she really looks good wearing happy. Kita naman po, so nandito lang ako and good luck with everything,” sabi ni Alden.
“She really looks good wearing happy.” 😭❤️#MaineStillCuteAt24 | #ALDUBxADNAlways pic.twitter.com/TGuXDg4BWp
-- loυ ᴬᴰᴺ ⋆ (@maichrd) March 2, 2019
Kabilang din sa selebrasyon ang malalapit na kaibigan ni Maine na sina Sheena Halili at Jessa Chichirita.
Si Sheena ay naging malapit na kaibigan ni Maine dahil sa pagsasama nila sa Destined To Be Yours. Samantala, kasalukuyan namang katrabaho ni Maine si Chichirita sa Daddy's Gurl.
Magdiriwang ng kaniyang kaarawan si Maine bukas, March 3.
Maraming salamat sa lahat ng nakisaya sa amin sa Eat Bulaga. Advance happy birthday to me! Salamat din sa lahat ng nagpadala ng cakes sa studio! 🎂 #MaineStillCuteAt24 (hahahaha at ginamit niyo talaga tong emeng hashtag na ginawa ko ha loool) pic.twitter.com/PST0Mgkz3Q
-- Maine Mendoza (@mainedcm) March 2, 2019
Advanced happy birthday, Maine!