
#ALDUBinMorocco
Kasalukuyang nasa Morocco ang phenomenal love team na AlDub o Alden Richards at Maine Mendoza.
Para ito sa kanilang shoot kasama ang fashion and lifestyle magazine na Mega.
Isa sa kanilang locations ay ang Marrakesh, isa sa pinakamalalaking siyudad sa Morocco.
Hindi naman pinalampas ni Maine na sumakay ng camel habang narito.
Pormang sasayaw si Maine habang nasa ibabaw ng camel. Sinamahan pa niya ito ng kanyang signature funny faces.
"Pak ganire!" simpleng caption niya sa kanyang Instagram post.
Bukod sa kanilang magazine shoot, nakatakda rin gumawa ng isang documentary sina Alden at Maine kasama ang Emmy award-winning producer na si Michael Carandang.
MORE ON ALDUB:
What is Michael Carandang's first impression of Maine Mendoza?
AlDub goes to Morocco for a magazine pictorial