
Sinopresa ni Phenomenal Star Maine Mendoza ang kanyang fans sa kanilang block screening ng movie niyang Jack Em Popoy: The Puliscredibles.
Sa isang Instagram post ni GMA reporter Cata Tibayan, nakasama ni Maine manuod ang ilang miyembro ng Special Action Force ng PNP.
READ: Pelikula nina Vic Sotto, Maine Mendoza at Dingdong Dantes sa MMFF, trending sa Twitter!
“Nagkaroon ng surprise visit si Maine Mendoza sa pa-block screening ng kanyang fans para sa MMFF entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles. Invited din sa block screening ang ilang miyembro ng PNP-SAF,” sulat ni Cata.
READ: Maine Mendoza on 2018: "Ending the year..."
Kasama ni Maine sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles sina bossing Vic Sotto, Baeby Baste, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros at marami pang iba.
Tatagal ang MMFF hanggang Enero 7 samantalang mamayang gabi naman ang MMFF Awards Night sa The Theatre sa Solaire.
WATCH: Vic Sotto at Maine Mendoza, pinasakay ang batang fan sa kanilang MMFF float