
"Ding, ang bato!"
Nagbigay ngiti online ang latest costume ng anak ng showbiz power couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Zia Dantes.
Sa Instagram post ni Marian, isang araw bago ang Mother's Day, ipinakita niya si Zia na nakasuot ng Darna costume.
Matatandaan na gumanap din ang Kapuso Primetime Queen bilang Pinay superheroine na si Darna sa primetime series niya sa GMA-7 noong 2009.
Makikita sa caption ng kanyang post na wala raw makahihigit sa role ng pagiging isang ina.
Ani Marian, "Sa lahat ng roles na dumaan, pinaka the best talaga ang pagiging mommy.
"Lahat naman yata ng roles gagawin natin mga mommies para sa mga anak natin di ba?"
Wala pang isang oras matapos ito ma-ipost, nakakuha agad ng 84,000 likes ang Darna photo ni Zia.
Heto naman ang ilang reaksyon ng mga netizen at celebrities sa Darna costume ni Zia Dantes.
IN PHOTOS: Zia Dantes's cutest costumes