
May isa na namang sikat ng celebrity ang nahumaling sa anak nina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna na si Baby Tali. Ito ay walang iba kundi ang nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta!
Hindi napigilan ni Sharon ang sarili na panggigilan si Baby Tali matapos niya itong makita sa kauna-unahang pagkakataon.
Sulat ni Sharon: "My gaaaaad! Saw baby Tali Luna Sotto for the first time today and now am so crazy about her!!! Not just super cute but ang bait na bata!!! Quiet lang siya!!! I love you, Tali!!! I am sad that we couldn’t kidnap you! Hahaha @pauleenlunasotto"
Nagpasalamat naman si Pauleen sa naging paghanga at pagmamahal ni Megastar sa kanyang anak.
"Thank you very much, Ate Sharon for loving Talitha!!! Hope we can see you again next time and longer! We love you"
Please embed: pauleen
Naganap ang kanilang pagtatagpo sa birthday celebration ng pinsan ni Sharon na si Ciara Sotto.