
The Kapuso actress shared around 40 of the covers she has shot.
Isa na namang throwback photo ang ibinahagi ni Kapuso actress Rhian Ramos sa kanyang Instagram followers.
Binalikan ni Rhian ang iba't ibang looks na sinubukan niya, pati na iba't ibang stages ng kanyang career sa pamamagitan ng mga magazine covers at features niya.
"A major throwback to so many different stages," sulat niya sa kanyang caption.
Umabot ng halos 40 magazine features ang nilabasan niya sa sampung taon niya sa showbiz.
Sa ngayon, gumaganap si Rhian sa TV adaptation ng Sinungaling Mong Puso—isang award-winning film noong 1992 na pinagbidahan ni Vilma Santos.
MORE ON RHIAN RAMOS:
Rhian, hinahaluan ng sariling emosyon ang role
Rhian, takot maikumpara kay Vilma Santos?