
Hindi pinalampas ng 'Because of You' star ang pagkakataong muling makasama ang kanyang mga ka-grupo kahapon, January 13.
By MICHELLE CALIGAN
Bukod sa pagiging bahagi ng cast ng youth-oriented show na TGIS noong 90s, member din ng sikat na dance group na Manoeuvres si Michael Flores. Kaya naman hindi pinalampas ng 'Because of You' star ang pagkakataong muling makasama ang kanyang mga ka-grupo kahapon, January 13.
READ: Angelu de Leon at ibang 'TGIS' cast, nagpaplano para sa isang movie reunion?
Sa Instagram post ni Michael, mapapansing hindi lamang ang Manoeuvres ang kasama niya, kundi pati na rin ang ilang miyembro ng mga kasabayan nilang Universal Motion Dancers at Streetboys.
"This is what we call...BROTHERHOOD! #batang90s #umd #streetboys #manoeuvres #onceadanceralwaysadancer #livinglegends" he says in the caption.
Ayon sa captions ng post nina James Salas ng UMD at Joshua Zamora ng Maneouvres, nagkaroon sila ng mini reunion pagkatapos dalawin ang lamay ni Kuya Germs. Naging birthday celebration na rin ito para sa January celebrators.