
Ramdam pa rin ng maraming Pinoy fans ang NBA Finals fever na natapos nito lamang umaga.
Binulsa ng koponan ng Golden State Warriors ang kampeonato matapos talunin ang Cleveland Cavaliers sa score na 129-120. Huling inuwi ng Warriors ang titulo sa NBA finals taong 2015.
Michael V's impressive portrait sketches
Nagbigay pugay naman ang Kapuso comedy genius na si Michael V sa mga key players ng Golden State.
Ipinasilip niya sa kaniyang mga followers sa Instagram ang 15-minute sketch niya sa mga basketball superstars na sina Stephen Curry, Klay Thompson at 2017 NBA Finals Most Valuable Player Kevin Durant.
Ang naturang post ni Bitoy ay mayroon ng mahigit sa 8,300 likes as of this writing.
MORE ON 'BUBBLE GANG':
16 things you didn't know about Michael V
#Throwback: 20 Bubble Gang comediennes we terribly miss
IN PHOTOS: Nine guys we terribly miss watching on 'Bubble Gang'