GMA Logo Michelle Dee in Happy ToGetHer
What's on TV

LOOK: Michelle Dee, guest celebrity sa sitcom ni John Lloyd Cruz na 'Happy ToGetHer!'

By Aedrianne Acar
Published March 4, 2022 3:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Michelle Dee in Happy ToGetHer


Anu-ano ang mangyayari sa paborito n'yo na 'Happy ToGetHer' this Sunday night? At mukhang may pretty biker na nangangailangan ng tulong ni Julian (John Lloyd Cruz).

Biglang magsisipag ang funny duo nina Mike (Jayson Gainza) at Andy (Wally Waley) nang marinig ng huli ang sinasabi ni Julian (John Lloyd Cruz) kay Boss Oca (Leo Bruno) na tanggalin ang isang walang pakinabang.

Sino kaya kina Mike at Andy ang mawawalan ng trabaho sa motorshop?

Source GMA Network

At ang guwapo nating daddy, makikilala ang pretty at sexy biker na si Nica (Michelle Dee) na may matinding hugot sa kanyang ex-boyfriend.

Siya na kaya ang ipapakilala ni Julian na bagong girlfriend sa kanyang pamilya?

Sulit ang Sunday night viewing n'yo with the Happy ToGetHer fambam at abangan ang pakikipagkulitan ng Kapuso beauty queen na si Michelle Dee!

Samahan si Julian sa paghahanap niya ng “one true love” this coming March 6, bago ang Kapuso Mo Jessica Soho.

Heto naman ang ilang trivia sa Sparkle beauty na si Michelle Dee sa gallery below.