What's Hot

LOOK: Miggy Tolentino, wagi bilang SK Chairman

By Cherry Sun
Published May 16, 2018 9:48 AM PHT
Updated May 16, 2018 10:06 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cloudy skies, rain over parts of PH on first day of 2026 — PAGASA
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



That’s My Bae Miggy Tolentino, nanalo bilang Chairman ng Sangguniang Kabataan sa Barangay 34, Caloocan City. 

Ang iniidolo ng mga dabarkads na si That’s My Bae Miggy Tolentino, maituturing na ring idolo ng mga kabataan. Nanalo kasi siya bilang Chairman ng Sangguniang Kabataan sa Barangay 34, Caloocan City.

Wagi sa katatapos lamang na barangay elections ang miyembro ng grupong That’s My Bae mula Eat Bulaga. Sa pamamagitan ng kanyang Instagram post ay ipinaabot ni Miggy ang kanyang pasasalamat.

Aniya, “Maraming salamat po sa lahat ng sumuporta! Sa mga kaibigan at pamilya ko salamat sa inyo at sa mga kabarangay ko makakaasa kayo sa tapat na serbisyo at maayos na pamumuno. Maraming salamat.”

 

Maraming salamat po sa lahat ng sumuporta! Sa mga kaibigan at Pamilya ko salamat sainyo ?? at sa mga kabarangay ko makakasa kayo sa tapat na serbisyo at maayos na pamumuno maraming salamat ??????????

A post shared by Miggy Tolentino (@tmb_miggy) on