
Isang masaya at puno ng kilig na Sabado ng umaga ang napanood sa Sarap, 'Di Ba? sa pagbisita nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega.
Nitong October 1, sumabak sa papel pa-fall challenge ang What We Could Be stars na sina Miguel at Ysabel. Sa game na ito ay kailangan nilang saluhin ang papel gamit ang parte ng kanilang mukha.
Nauwi naman sa tilian ang studio ng Sarap, 'Di Ba? dahil hindi inaasahang nag-kiss ang dalawa nang saluhin nila ang papel gamit ang kanilang nguso.
PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?
Pati ang hosts ng Sarap, 'Di Ba? na sina Carmina Villarroel, Mavy, at Cassy Legaspi at ang guest nilang si Atak ay nagulat sa nangyari kina Miguel at Ysabel.
Balikan ang kanilang nakakakilig na moment sa Sarap, 'Di Ba?
TINGNAN ANG SWEET MOMENTS NINA MIGUEL AT YSABEL: