
Hindi kumpleto ang birthday ni Kapuso cutie Miguel Tanfelix kung wala ang kanyang loyal fans.
Kaya kahapon, September 30, sinorpresa ng aktor ang mga ito ng isang fun activity sa Eastridge Athletic Park sa Binangonan, Rizal.
Sa pamamagitan ng Instagram post, pinasalamatan ni Miguel ang lahat ng dumalo sa kanyang birthday celebration.
"Today, I got to spend time with the people who value, believe and love me. I thank each one of you for making this day possible; my head admins, @officialbumph , Eastridge Athletic Park Rizal and Sir Lito. Thank You! #MiguelTanfelixFanMilyParty" sulat niya sa Instagram.
Ipinagdiwang ni Miguel ang kanyang 20th birthday noong September 21.