
Sinorpresa ng Onanay cast and staff si Mikee Quintos sa kaniyang 21st birthday ngayong Martes, December 18.
Ikinagulat din ng Kapuso actress ang pagbisita ng kaniyang pamilya sa set ng Kapuso drama series.
Kahit na espesyal ang araw na ito para kay Mikee, itinuloy pa rin ang pagkuha sa mga mabibigat niyang eksena kasama si Kate Valdez. Biro tuloy ng birthday girl, sampal ang special present ng kaniyang kaibigan at co-star.
Samantala, nagpahayag din ng pagbati ang mga kaibigan ni Mikee sa industriya gaya nina Solenn Heussaff, Ruru Madrid, Carlo Gonzalez, Arra San Agustin at Michelle Dee.
Happy birthday, Mikee!