
Ramdam na ramdam na sa ang paghahari sa himpapawid ng Mulawin VS Ravena dahil ngayon ay makikita na ang billboard ng higanteng telefantasya sa EDSA corner Timog, Quezon City.
Hindi tuloy mapigilan ng cast ng upcoming GMA Telebabad soap ang kanilang excitement nang makita ang nasabing billboard.
"Can't believe that the biggest telefantasya of GMA will be aired two weeks from now," saad ni Derrick Monasterio na gaganap bilang Almiro.
"I am so excited for this. I hope you guys are too. #MulawinVsRavena starts airing in two weeks. Yes, TWO WEEKS," ani Bea Binene na gagampanan ang role ni Anya.
"Malapit na!," 'yan naman ang ibinahagi ni Asia's Songbird Ms. Regine Velasquez-Alcasid na bibigyang buhay naman ang karakter ni Sandawa na isang diyosa.
Excited na rin ba kayo sa Mulawin VS Ravena? Abangan ang kanilang paghahari sa himpapawid simula ngayong May 22 na pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.
MORE ON 'MULAWIN VS RAVENA':
"Even Ma'am Charo [Santos] admitted 'Mulawin' made her almost quit her job" - Zoren Legaspi
EXCLUSIVE: Bakit kinuha si Ms. Regine Velasquez-Alcasid sa 'Mulawin VS Ravena?'
WATCH: 'Mulawin VS Ravena' stars, umaasang susuportahan ng fans ang sequel