Celebrity Life

LOOK: Nadine Samonte, sinubukan ang "Dinner in the Sky" kahit takot sa heights

Published April 9, 2018 12:06 PM PHT
Updated April 9, 2018 12:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

US Justice Dept releases card mentioning Trump, purportedly from Epstein to Nassar
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Bakit kaya sinubukanng 'StarStruck' avenger ang kakaibang dinner experience na ito kahit takot na takot siya sa heights?

Sa Instagram post ni Nadine Samonte ikinuwento niya kung bakit siya nag-book sa "Dinner in The Sky" ng isang sikat na hotel sa Manila. 

Ito pala ay para isorpresa ang kanyang asawa na si Richard Chua.

"Im afraid of heights as in pero i booked it para surprise gift ko kay hubby , we met April 7, 2013 now is April 7, 2018 its been five years my love."

Pagpapatuloy pa niya, na-sorpresa naman ang kanyang asawa pero nagtataka siya dahil tila takot rin ito ng sumakay na sila.

"So this is what happened pag dating namin don he was surprised but the thing is i didnt know na takot din sya sa heights oh myyyyy????Kasi mahilig sya sa mga rides so i thought matutuwa sya hahahaha so sabi ko saknya naku “Dont me” hahaha what i mean is alm nya na nga na takot ako baka tinatakot pa nya ako hahaha pero takot tlga din sya. So pag sakay na namin the experience is really different tapos super mahangin pa hala hindi na nga ako maksandal at kumakapit nlng ako kung san san hahaha ung food super sarap but sa kaba lulunukin m nlng ng lulunukin tapos hubby doesnt eat tomatoes hahaha first time nakain nya mga tomatoes heehehe. In short the experience is really awesome and the food as well. "

Sa huli raw, medyo nasanay na sila sa taas at na-enjoy ang kanilang dessert. 

"Sa dessert time na kami nagenjoy narelax na kami and its really nice up there. Basta kasma ka mahal kahit anu alam mo yan hehe basta kasama ka @rboy_chua ?????????? "

Sa pagtatapos ng kanyang post, isang sweet message ang iniwan niya para sa kanyang asawa. 

"I know its weird kasi ako nagbook tapos ako takot hahaha pero ganun tlga minsan ung takot nawawala lalo na pgksama mo ung taong makakatanggal ng takot mo?? sabi nga nila face your fears pero sabi ko , ill face it with you @rboy_chua naks????????."