What's on TV

LOOK: Netizens, gusto nga bang magkabalikan sina Clarisse at Jio sa 'Magkaagaw'?

By Cara Emmeline Garcia
Published February 4, 2020 12:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

CAAP extends flight ban over Mayon Volcano anew until morning of Dec. 15, 2025
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Netizens gusto nga bang magkabalikan sina Clarisse at Jio sa Magkaagaw


Team "Hold On" o Team "Let Go" ka ba, Kapuso?

Sa tumitinding kuwento ng Magkaagaw, hindi napipigilang mag-react ang ilang netizens sa patuloy na pag-aaway ng mag-asawang Jio (Jeric Gonzales) at Clarisse (Klea Pineda).

Kaya naman sa isang Facebook poll ng GMA Drama, naitanong ang fans ng hit GMA Afternoon Prime show kung sila ba ay Team Hold on o Team Let Go?

Ayon sa fans, mas gusto nilang magkabalikan ang mag-asawa lalung-lalo na para sa anak nilang si Jade.

Habang ang iba naman, tulad ni Jennylyn Cadiz, gustong maghiwalay ang mag-asawa para magkaroon ng pagkakataong ma-realize na “love pala nila ang isa't isa.”

Si Dina Fernando Joson naman, boto kay Zander (Dion Ignacio) para kay Clarisse! Aniya, “Kay Zander ka na lang! Gwapo na, mabait pa.”

Panoorin ang Magkaagaw, mula Lunes hanggang Biyernes, kasama sina Sheryl Cruz, Sunshine Dizon, Klea Pineda, at Jeric Gonzales, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.

Maari nyo na rin mapanood ang latest episodes ng inyong favorite Kapuso shows sa GMANetwork.com o sa GMA Network App.

#MemesPaMore: 'Magkaagaw' memes na pumatok online!

Latest full episodes ng 'Magkaagaw,' mapapanood na sa GMANetwork.com at GMA Network app!