
Get well soon, Claudine!
Maraming netizens ang nag-aalala sa lagay ng aktres na si Claudine Barretto dahil sunod-sunod ang naging posts niya sa Instagram na siya'y confined sa St. Lukes Medical Center Global City, Taguig.
Bumuhos tuloy ang suporta ng mga fans kay Clau lalo na nang mag-share ito ng isang larawan kung saan yakap-yakap niya ang ina na si Estrella “Inday” Barretto. Ipinagdadasal daw ng mga ito ang mabilis niyang paggaling.

Kahit nga si Edu Manzano hindi naiwasang mag-alala sa lagay ni Claudine.

Nagpaabot naman ng taos-puso niyang pasasalamat ang aktres sa lahat ng mga natatanggap niyang prayers. Dagdag pa niya, lahat daw sila ay kaniyang inspirasyon sa buhay.

MORE ON CLAUDINE BARRETTO:
Claudine Barretto shares more letters from Rico Yan
Claudine Barretto at Raymart Santiago, magkaibigan na