Muling napansin ng netizens ang bagong post ng asawa ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico. Ito ay dahil sa kanyang bagong pinagkakaabalahan, ang pag-aaral ng wikang Filipino.
Ayon sa post ni Nico ang kanyang Filipino class ay ginanap pagkatapos ng kanyang trabaho. Aniya, "Klase ng tagalog pagkatapos ng trabaho sa opisina ng LM10 kasama si @cocokrause7 ang guro @ramliv2014"
Tulad ng ibang mga posts ni Nico, hindi ito makukumpleto kung hindi niya gagamitan ng nakakatawang hashtags kung saan sinabi niya na siya ay na-nosebleed sa pag-aaral.
"#nakakadugongilong #nosebleed #charotlang #echoslang"
Ilang comments ang pumuri kay Nico sa pag-aaral ng Filipino pati na rin ang nakakatuwang hashtags.
MORE ON NICO BOLZICO:
SNEAK PEEK: Nico Bolzico, mapapanood sa 'Taste Buddies'
Nico Bolzico reveals excruciating shopping day with Solenn Heussaff in #wifezillaseries