
Isa sa mga paboritong pampalipas-oras ng mga Pinoy ay ang pagkain ng sitsirya o junk food dahil lagi itong available sa mga sari-sari store.
Karaniwan ay hango ito sa mga napapanood sa telebisyon gaya ng cartoon characters at superheros. Pero agaw-atensyon ngayon ang sitsirya na inspired sa GMA drama series na Onanay.
Viral ngayon ang larawang ito sa Facebook na mula sa meme account na "Lazadank v4 : Sale 69 % OFF."
Mayroon ding Victor Magtanggol goodies na mabibili pa sa mga supermarket.
Nakakuha ang mga ito ng iba't-ibang reaksyon online at ikinatuwa din ng netizens.