
Lumikha ng ingay online ang pagbabalik bansa ng nag-iisang “Pantasya ng Bayan' na si Joyce Jimenez.
Then & Now: Where is Joyce Jimenez?
Sa Instagram post ng eventologist na si Tim Yap, nakasama niya ang dating sexy actress habang nagbabakasyon sa Panglao Island sa Bohol.
Nakatira na si Joyce sa Amerika at ikinasal sa kaniyang Fil-Am boyfriend na si Paul Ely Egbalic noong August 2008. May tatlo na silang anak na sina Jorja Ely, Jaysen Elise at Julian Elysson.
Maraming netizens ang natuwa nang malamang nasa bansa si Joyce at hanga rin sila na napanatili ng former sexy actress ang magandang hubog ng kaniyang katawan.