
Isang sorpresa ang natanggap ni Mitsuko Horie, ang orihinal na singer ng Voltes V theme song na “Voltes V no Uta” na nauso noong dekada '70.
Isang vintage action figure kasi ang natanggap ng 62-year-old Japanese singer mula sa Toei Company, ang animation house na lumikha ng beloved anime series.
Sa Twitter ibinahagi ni Horie ang litrato ng vinyl toy figure na may kasamang hashtag na, “#Philippine.”
#ボルテスV #VOLTESV #FIGURE #東映
-- 堀江美都子 (@micchi_MH) January 22, 2020
大きいです!取材で東映関係の方に頂きました。#堀江美都子#Philippine pic.twitter.com/SUhM1r6xFe
Ayon sa pagsaliksik ng GMANetwork.com, ang original vinyl toy figure ay nagkakahalaga ng ¥62,800 o mahigit kumulang PhP 30,000.
Si Mitsuko Horie ay isa sa tampok na voice actress sa Japan.
Siya ang nagbigay buhay sa iba't ibang anime characters tulad nina Sailor Galaxia sa Sailor Moon at Remi sa Remi, Nobody's Girl.
Isa ang Voltes V: Legacy sa mga proyekto ng GMA Network ngayong 2020.
Netizens compare scenes from 'Voltes V Legacy' teaser and original anime
LetsVoltIn: The iconic characters of Voltes V