
Nagsimula nang mag-taping ang cast ng Alyas Robin Hood para sa pangalawang season nito, kaya sinimulan na rin ni Paolo Contis ang kanyang nakakatuwang posts patungkol sa hit primetime series.
IN PHOTOS: Ang first taping day ng 'Alyas Robin Hood' Season 2
Nag-post sa kanyang Instagram account si Paolo kung saan kasama niya sa larawan ang isang duguang Dingdong Dantes.
Aniya, "Umpisa pa lang to guys!! Malapit na!! #AlyasRobinHood2 #ARH2 #AcostangPagod #PepengPagod #DuguangPepe #ManlyPeriod"
Bago pa nito, may isa pang post ang aktor kasama ang Kapuso Primetime King. Kuha ito sa story conference ng naturang teleserye.