Hindi ito ang unang beses na ginaya ni Paolo ang isang beauty queen. Dati na niyang kinopya ang mga mukha nila Ms. Gloria Diaz (Miss Universe 1969), Megan Young (Miss World 2013), Shamcey Supsup (Miss Universe 2011, 3rd runner-up) at Ariella Arida (Miss Universe 2013, 3rd runner-up).
Nabigo si MJ na iuwi ang titulo matapos makapasok ang Pinay beauty queen sa top ten. Itinanghal naman si Ms. Colombia Paulina Vega bilang 63rd Miss Universe
winner.