GMA Logo Aiko Melendez Andre Yllana Marthena Jickain
Celebrity Life

LOOK: 'Prima Donnas' star Aiko Melendez, kinilala bilang 'Model Mom'

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 1, 2021 3:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Aiko Melendez Andre Yllana Marthena Jickain


Pinatunayan ni Aiko Melendez na kaya ng mga single mom na pagsabayin ang pagiging ina at pagtatrabaho. Congratulations, Aiko!

Binigyang pagkilala ang batikang aktres at single mother na si Aiko Melendez bilang isang 'model mom.'

Sa kanyang post sa Instagram, nagpasalamat si Aiko sa 'Model Mom Philippines' sa pagkilalang binigay nila.

Ayon kay Aiko, dumami man ang kanyang award sa pag-arte, iba pa rin ang pagkilala sa kanya bilang isang ina.

Sulat niya sa caption, "Maraming salamat po sa pagkilala sa akin bilang isang model mom."

"Nakakataba po ng puso ang malaman na inspite of all the challenges of being a single mom, napansin niyo pa din ang aking kakayahan maging ehemplo sa mga nanay na katulad ko po."

"Kakaibang kaligayan ang maging awardee sa category nito parka't ang pagiging isang ina ang isa sa pinakamalaking achievement ko sa buhay ko."

A post shared by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez)

May dalawang anak si Aiko, sina Andre Yllana, na ipinanganak noong 1998, at si Marthena Jickain, na isinilang noong 2007.

Si Andre ay anak ni Aiko sa dati niyang asawa na si Jomari Yllana. Mas kilalanin pa si Andre dito:

Samantala, ang ama naman ni Marthena ay ang dating model na si Martin Jickain, na nakabase na ngayon sa Boracay.

Kilala ang tinaguriang "mini-me" ni Aiko dito:

Related content:

Andre Yllana shocked at mom Aiko Melendez's honest question, "Ang bulgar naman nun!"

Aiko Melendez reveals that son Andre had two stalkers