
Pinainit ni Regine Tolentino ang online world matapos niyang mag-post ng kanyang nearly-naked photo sa Instagram ngayong Miyerkules, November 21.
"Mermaid at heart" ang maikling caption ng 38-year-old dancer/TV host sa larawan na kuha mula sa kanyang bakasyon sa Surigao del Sur.
Narito pa ang ilang larawan mula sa kanyang recent trip:
Bukod sa Surigao del Sur, binisita rin ni Regine ang probinsya ng Sorsogon noong nakaraang Oktubre.
Hindi naman napigilang mag-react ng mga netizens sa sexy photos ng mother of two.
Bukod sa pag-hohost ng morning show na Unang Hirit, abala rin si Regine sa pagma-manage ng kanyang dance studio at boutique.