
May mother and son bonding na magaganap sa tahanan ni Regine Velasquez-Alcasid.
Ngayong May 19, bibisitahin ng mag-inang sina Christine Jacob-Sandejas at Paolo Sandejas si Regine sa Sarap Diva. Sila ay magbabahagi ng kanilang personal stories bilang mag-ina at ng kanilang professional relationship. Si Paolo ay isa nang recording artist at si Christine ay ang tumatayong manager nito.
Abangan ang kanilang masayang pagbisita at kanilang kuwentuhan with Regine ngayong Sabado, 10:30 a.m. sa Sarap Diva.