
Kuwentuhan, kantahan at kainan na puno ng tawanan ang mapapanood ngayong Sabado sa tahanan ni Regine Velasquez-Alcasid.
Ngayong unang araw ng September ay kuwelang challenges ang inihanda ni Regine para sa kanyang mga kapitbahay sa Sarap Diva. Makakasama niya sina Josh Adornado, Jong Madaliday at Melbelline Calauag ng The Clash at hahamunin nila ang mga bisitang VaKlash comedians na sina Kim Idol, Boobsie at Ate Velma.
Abangan ang kanilang nakakatuwang paghaharap ngayong Sabado 10:30 a.m. sa Sarap Diva.