
Isang nakakatawang photo ini-upload ni Regine Velasquez-Alcasid para kay Billy Crawford.
Nitong weekend ay naging viral ang pre-wedding photos ni Billy at ng kanyang soon-to-be wife na si Coleen Garcia. Ito ay dahil ilang netizens ang nagsabing culturally inappropriate ang kanilang mga photos mula sa Ethiopia.
LOOK: Netizens slam Billy Crawford and Coleen Garcia's pre-wedding photos in Ethiopia
Nagtrending naman at naging usap-usapan ay ang suit na sinuot ni Billy dahil sa pagkakatulad nito sa ilang gamit tulad ng punda at bag. Isa sa mga nakahanap ng kamukha ng kanyang suit ay si Regine. Aniya, "Parang namiss ko si @billycrawford miss you friend"
Agad naman sinagot ni Billy ang post ng Asia's Songbird. Biro niya kay Regine, hindi siya nagkamali sa pagpili ng tela dahil ito ay "Songbird Unan."
LOOK: Things of the same fabric as Billy Crawford & Coleen Garcia's pre-wedding outfits