
Kinilig si Rochelle Pangilinan matapos makitang muli ang kanyang dating alagang aso na si Willow, isang Alaskan Malamute.
Nasa pangangalaga na ito ng pamilya ng komedyanteng si Michael V.
Ipinost ni Rochelle sa Instagram ang cute reunion nila ng 8th-month-old dog. Sabi niya, "Yung hindi nya nakalimutan lahat ng kabutihan mo kahit sandali mo lang sya inalagaan,ibang klase!️️️thank you sa vid ate @ayoito #unconditionallove #willow #mishkasbaby #8monthold #alaskanmalamute"
Na-touch naman ang soon-to-be-mom sa ipinakitang sweetness ni Willow.
LOOK: Rochelle Pangilinan, buntis na!