
May parating na project together ang Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Jasmine Curtis Smith.
Halos sabay kasing nagbahagi ang dalawa ng magkahawig na litrato ng isang eksena nila sa kanilang mga Instagram account.
Walang ibang detalyeng ibinigay sina Ruru at jasmine kundi ang pangalan ng kanilang mga karakter.
"#CaraXJagger," pareho nilang caption sa kanilang Instagram posts.
Umani naman ang dalawa ng suporta mula sa mga kaibigan pati na sa mga netizens.
Ayon sa nakararami, mukhang may chemistry daw ang dalawa.
Huling napanood si Ruru sa GMA Telebabad series TODA One I Love habang si Jasmine ay gumanap bilang batang Manisan sa Sahaya.
Kamakailan ay inanunsiyo ng GMA Network na magiging bahagi si Jasmine ng Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Descendants of the Sun. Makakasama niya rito sina Dingdong Dantes at Rocco Nacino.