
Espesyal ang handog na regalo ng Kapuso actor na si Ruru Madrid para sa kaniyang pinakamamahal na ama na si Daddy Bong Madrid.
LOOK: Jak Roberto's new pogi ride
Sa kaniyang Instagram post nitong Father’s Day, binigyan niya ng isang mamahaling bike ang kanyang magulang.
Ang naturang Kawasaki Vulcan S 650 bike ay nabalitang nagkakahalaga ng hindi baba sa Php 400,000.
Heto ang buong mensahe ni Ruru para sa kaniyang daddy.
Aniya, “Da Happy Father’s day! Medyo late na ko bumati hindi ko kasi alam kung paano kita susorpresahin eh! Sana nagustuhan mo ang aking munting regalo sayo :) kaya yan ang naisip kong regalo dahil alam ko na maaari natin itong magamit para makapag bonding tayong mag-ama babyahe, tayong magkasama kahit saang lupalop ng mundo!”
“I love you da! Kulang pa yan sa lahat ng ginawa mo sa amin ng pamilya mo sa lahat ng sakripisyo at pagtataguyod sa aming lahat lalong lalo na ang pagmamahal na binibigay mo sa amin na alam ko na walang kahit anong bagay ang maitutumbas sa lahat ng ginawa mo sa amin. Happy father’s day da! Mahal ka namin :) @bhongmadrid”
Bumati din ang ibang celebrities na sina Rocco Nacino at Jak Roberto ng Father’s Day kay Daddy Bong.