
Maghanda na ngayong Sabado, dahil muling magbabalik ang macho guwapito na si Anton sa Daddy's Gurl!
Kilalanin ang millennial daughter ni Barak na si Stacy Otogan!
Tiyak tututukan ang muling pagbisita ng Kapuso hottie na si Ruru Madrid sa paboritong sitcom ng bayan.
Aabangan din ng mga Kapuso at dabarkad kung magkakamabutihan ba finally ang aso't pusa na sina Stacy (Maine Mendoza) at Sir. Anton (Ruru Madrid).
Ruru Madrid, nagpasalamat kina Vic Sotto at Maine Mendoza
Ramdam din ang Kapuso love month sa Daddy's Gurl dahil aayain na mag-date ni Anton ang millennial daughter ni Barak (Vic Sotto). Mapupuno ba ng kilig ang date ng dalawa o aatakihin na naman ng phobia si Anton?
Relaxing weekend ang naghihintay sa inyo mga Kapuso, kapag tumutok sa nakakatawang tandem nina Bossing Vic Sotto at Phenomenal star Maine Mendoza sa Daddy's Gurl this February 9, pagkatapos ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.