
Bukod sa bangayan nina Emma at Georgia, isa pa sa inaabangan ng viewers ng Ika-6 Na Utos ay ang mga hirit ni Loleng, na ginagampanan ng batikang aktres na si Odette Khan.
WATCH: Odette Khan is the new darling of GMA Afternoon Prime
Sa isang Instagram post ni Ryza Cenon, tinawag niya na 'frenemy' si Odette, lalo na't ang characters nila bilang Georgia at Loleng ay madalas ring magsagutan.
Sa pamamagitan ng Facebook live ni Ryza sa kanyang official page, nagpasalamat si Odette sa lahat ng mga nagmamahal sa kanyang role.
"Sana totoo, thank you Lord. Salamat," sagot niya sa mga nagko-comment sa kanyang galing bilang Loleng.
Dagdag pa niya, "Sana huwag kayo bibitiw araw-araw. Pasensiya na, alam ko it takes time na nakaupo kayo diyan at nanonood. Super salamat."
Ano naman ang masasabi niya kay Georgia?
"Si Georgia, walang hiya lang 'yan sa mga eksena. Pero sa totoong buhay, takot sa akin 'yan!"
Posted by Ryza Cenon on Wednesday, June 21, 2017