
Dinalaw ni Ryzza Mae Dizon at ng iba pang Dabarkads si Bae-by Baste na naka-confine pa rin sa ospital dahil sa dengue.
LOOK: Bae-by Baste, naospital dahil sa dengue
Kasama ni Ryzza Mae na bumisita sa hospital sina Luane Dy, That’s My Bae Tommy Peñaflor at Joel Palencia, EB Babes Hopia, AJ, Lyka at Monica, Direk Moty, at anak ni Ruby Rodriguez na si AJ Aquino.
“Get well soon Bash and Samsam. Love you both. Lord, itanggal nyo na po yayay nila bastesam pls po,” mensahe ni Aling Maliit.
Ikinataba naman ng puso ng pamilya ni Baste ang ginawang pagbisita ng Dabarkads.
Sulat sa Instagram niya, “Eats Family time. Maraming salamat po Lord for the gift of family, friends, and mga tao na naglove sa amin ni Samsam, mga taong nag alay ng dasal, maraming salamat po sa inyo.”
Simula July 10 ay naka-admit na sa ospital si Bae-by Baste, at kinumusta na rin siya nina Alden Richards, Maine Mendoza at Ruby.