
Sobrang nakaka-touch ang ginawang effort ng mga anak ni Raymart Santiago para gawing special ang birthday ng former action star ngayong 2017.
Sa Instagram ni Raymart, proud niyang ipinakita ang regalong pinaghirapan nina Sabina at Santino.
May kalakip na birthday greeting ang regalo at dito ikinuwento ng dalawang chikiting ang mga ginawa nila para ma-surprise ang kanilang daddy.
“Belated Happy Birthday Dad! This is our gift for you. We had to do chores, so we could buy your gift. We hope you like it.”