
Dahil dito, isa siya sa napiling lumabas sa cover ng August 2017 issue ng nasabing magazine kung saan kinikilala ang mga young stars na nagsisimula nang maging matunog sa kani-kanilang mga piniling industriya.
Kasama ni Sanya ang iba pang rising stars tulad nina Asia's Next Top Model Season 5 winner Maureen Wroblewitz at Miss Philippines International 2017 Mariel de Leon.
MEGA AUGUST 2017
Posted by Mega Magazine on Wednesday, 2 August 2017
"I'm very happy and grateful na maging part ako ng MEGA shoot. Maraming maraming salamat kasi siyempre isa ko sa binigyan ng pagkakataon. It's an honor," pahayag ni Sanya.
Kasalukuyang mapapanood si Sanya sa GMA Afternoon Prime series na Haplos.
Panoorin ang behind-the-scenes interview ni Aubrey Carampel kay Sanya:
Video courtesy of GMA News