
Nakabihis bilang isang cute na dinosaur si Scarlet Snow Belo sa moving up day sa kanyang pre-school.
Inawit niya ang national anthem ng Pilipinas kasama ang kanyang mga classmates bilang kanilang special performance sa seremonya. Nakabihis pa ang grupo bilang iba't ibang mga hayop.
WATCH: Scarlet Snow Belo sings "Lupang Hinirang"
Pinasalamatan naman ng kanyang mga magulang na sina Vicki Belo at Hayden Kho ang mga guro na gumabay kay Scarlet.
"Our little @scarletsnowbelo is moving up! To all her very caring and patient @mindchamps.ph teachers, "thank you." We appreciate you and value your work in shaping the mind of our little toddliboo," sulat ni Hayden sa kanyang Instagram account.
Nadagdagan kamakailan ang pamilya ni Scarlet matapos ipanganak ng kanyang ate Cristalle Belo ang una nitong anak na si Hunter James.
IN PHOTOS: Cristalle Belo-Pitt's safari-themed baby shower