
It's a bittersweet reunion for the cast of 'Daisy Siete.'
Masaya mang makita na muling magkakasama ang cast ng Daisy Siete noon, mayroong namang ito kahalong lungkot dahil nagkita-kita sila sa burol ng namayapang direktor ng nangungunang GMA show tuwing hapon noon.
Sa Instagram ng leader ng original Sexbomb Girls na si Rochelle Pangilinan, ibinahagi niya ang nakalulungkot na balitang ito. Aniya, pumanaw na ang isa sa mga direktor ng Daisy Siete na si Ruel Ikamen.
"DAISY SIETE reunion! masaya talaga pagkatapos ng ilang taon ay tayo'y nagkita kita,malungkot lang dahil sa wala na si Direk Roel,ganun pa man alam kong masaya sya dahil nakita nya tayo,at nakita nya na maraming nagmamahal sa kanya," pahayag ng Encantadia star.
Isa namang mensahe para kay Direk Ruel ang ibinahagi ni Jopay Paguia-Zamora sa kanyang Instagram.
"Ito ang Daisy Siete family ko at kasama ka dun direk ruel , isa ka sa mga direktor na tinitingala ko sa industriya ng showbiz. Maraming salamat direk dahil ang dami kong natutunan syo lalo na pag dating sa pag acting at syempre sa pagiging isang mabuting tao. Ang aming direktor na kalmado lang palagi sa set kumbaga CHILL lang . Paalam Direk Ruel, mamimis ka namin," saad ni Jopay.
Matatandaang nagtagal sa telebisyon nang halos pitong taon ang Daisy Siete na umabot sa 26th season mula nang ipalabas ito noong 2003.
MORE ON SEXBOMB GIRLS:
Let's get Awww!: Sexbomb dancers noon, mommies na ngayon
WATCH: Sexbomb Girls's version of new dance craze #ShakyChallenge