
Get, get aww!
Reunited muli ang popular dance group na Sexbomb Girls. Ito ang ibinahagi ni The Gift star Rochelle Pangilinan sa kanyang Instagram nang makasama ang kanyang dating mga kagrupo.
Kabilang sa litrato ay sina Aira Bermudez, Jopay Paguia, Yvette Pabalan, at Sunshine Garcia.
Sa Instagram ni Jopay, ibinahagi nito ang saya na makasama muli ang mga dating miyembro ng dance group.
Aniya, “Pag tayo talaga nagsama-sama kagulo ang mundo hahaha 🤣 pero ang saya naman 🤣
“'Yan ang mga na-miss ko sa grupo natin 'yung sabay-sabay tayong nagsasalita, nagtatawanan, nagkukulitan 🤣🤣🤣
“Sana maulit ito kahit gaano pa tayo ka busy. Sa susunod mabubuo din tayo ️
“Miss you girls and love you all.”
Nakilala ang Sexbomb Girls sa longest-running noontime show na Eat Bulaga noong 1999.
LOOK: SexBomb Girls are looking for new members
Aira Bermudez on possible reunion concert of SexBomb Girls: “Mangyayari yun.”