
Walang pagsidlan ng tuwa ang Wowowin host at tinagurian na “Sexy Hipon” Herlene Budol nang finally na-meet niya nang personal ang Phenomenal star na si Maine Mendoza.
'WATCH: Sexy Hipon vs. Boobsie sa 'Wowowin'
Nag-guest si Sexy Hipon sa panalong Kapuso sitcom na Daddy's Gurl kung saan bida din si Bossing Vic Sotto.
Sa tweet ni Maine, ipinost niya ang selfie nilang dalawa at ikinuwento pa nito na sobrang gusto siya makita ni Herlene noon, kaya naman umabsent daw ito para makita siya nang minsan magpunta ang Eat Bulaga Sugod Bahay gang malapit sa kanilang bahay.
Ani Maine, “Si Hipon Girl ang guest namin today sa #DaddysGurl! Sobrang kwela siya talaga, nakakaaliw!
“Sabi niya sakin umaabsent pa daw siya before kapag malapit sakanila yung Sugod Bahay pero lagi daw ako wala. Sabi ko naman, tignan mo ngayon ikaw na yung guest namin dito sa show! Bongga!”
Si Hipon Girl ang guest namin today sa #DaddysGurl! Sobrang kwela siya talaga, nakakaaliw! Sabi niya sakin umaabsent pa daw siya before kapag malapit sakanila yung Sugod Bahay pero lagi daw ako wala. Sabi ko naman, tignan mo ngayon ikaw na yung guest namin dito sa show! Bongga! pic.twitter.com/rjerqycM2t
-- Maine Mendoza (@mainedcm) December 17, 2019
Abangan ang kuwelang hirit ni “Sexy Hipon” Herlene Budol sa guesting niya sa Daddy's Gurl soon on GMA-7!