
Abot langit ang ngiti ng Kapuso actress na si Shaira Diaz dahil tapos na silang mag-shoot para sa Regal Films movie na pagtatambalan nila ni David Licauco na Because I Love You na directed by Joel Lamangan.
Sa Instagram post ng magandang dalaga, ibinahagi niya na first time rin niya makasakay sa isang chopper.
Kuwento ni Shaira, “Kilig!!! First time ko makasakay sa chopper! Grabe ang saya. Never ko na-imagine na makakasakay ako sa ganto kaya super happy talaga ako while shooting our movie. Para akong bata! Ang memorable lang ng last day ng #BecauseILoveYou ! Ayan labas gilagid ngiti ko!!! Yikess!! Thank you Lord!”
Makakasama nina Shaira at David sa naturang pelikula sina Samantha Lopez, Martin del Rosario at Bernadette Allyson.