
Hindi alintana kay Shaira Diaz ang kanyang busy showbiz schedule para makapagtapos ng pag-aaral.
Kasalukuyang nag-aaral ang 24-year-old actress ng marketing and management sa University of Perpetual Help sa Las Piñas City.
Sa Instagram, proud na ibinahagi ni Shaira ang kanyang back-to-school photos noong Martes, July 23.
Sabi niya sa kanyang caption, "Back to school! Hi classmates!"
Kahit na regular siyang pumapasok sa kolehiyo at nagte-taping para sa kanyang primetime series na Love You Two, nakuha pa rin ni Shaira na tumanggap ng iba pang proyekto.
Guest star siya sa weekly magical anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko kasama ang kanyang Love You Two co-star na si Nar Cabico at si Kate Valdez.
Bukod pa rito, aktibo rin si Shaira sa pagiging miyembro ng Las Pinas Volleyball Buddies.