
Normal na sa mga artistang naturukan ng COVID-19 vaccine na magpalitrato upang maengganyo rin ang kanilang fans na magpabakuna.
Minsan naman, ang mga healthcare workers na nagbabakuna ang gustong magpakuha ng litrato sa mga artistang nagpapabakuna.
Ngunit kakaiba ang nangyari kay Sid Lucero, na malapit nang mapanood sa primetime series ng GMA na The World Between Us.
Kuwento ni Sid sa kanyang Instagram, akala niya lang ay magpapalitrato lang sa kanya ang mga healthcare workers pero 'yun pala, ini-inject na sa kanya ang vaccine.
Nakakatuwang sulat ni Sid sa caption, "I thought we were just doing the photo. She couldn't wait!"
"Glad I caught it though. Fun day!!
"Thanks guys!"
Bukod kay Sid, kilalanin pa ang ibang celebrities na nagpabakuna na laban sa COVID-19 dito: