
Nakapili na ba ang Comedy Queen of the Philippines na si Aiai Delas Alas ng magiging bridesmaid niya sa kanyang kasal kay Gerald Sibayan sa susunod na taon?
Sa Instagram post na ibinahagi ng magaling na comedienne kahapon, July 9, nag-share siya ng photo kasama ang Megastar na si Sharon Cuneta.
Saad niya sa caption, “My BFF and my BRIDESMAID ...”
Wala pang opisyal na pahayag ang kampo ni Aiai kung sino-sino ang magiging parte ng kaniyang wedding entourage.
Mukhang isa rin sa mga bigatin guest ng Comedy Queen sa kaniyang big wedding ay ang Concert King na si Martin Nievera.
Matatandaan na noong Abril ay na-engage si Aiai sa boyfriend niya for three years na si Gerald.
How AiAi knew that boyfriend Gerald Sibayan is The One