
Patuloy pa rin ang pagbibigay ng good vibes sa social media ng anak nina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna na si Baby Talitha Maria Sotto o Tali.
Sa recent video na ipinost sa Instagram ni Pauleen, makikita na sobrang cute ni Tali na nakikipagkulitan sa kaniyang dentista. May mahigit 400,000 views na ang naturang video.
LOOK: 25 cutest photos of Vic Sotto and Pauleen Luna's Baby Tali
Hindi tuloy mapigilan ng Kapamilya TV host/actress na si Sharon Cuneta na panggigilan ang sobrang nakakaaliw na video ni Tali nang magkomento ito sa Instagram.